|
||||||||
|
||
Binuksan dito sa Beijing kamakalawa ang ika-5 taunang sesyon ng ika-11Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina at inilahad ni Premyer Wen Jiabao ang Government Work Report. Kabilang dito, ang mga nilalaman na may kinalaman sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan at pagpapababa ng paglaki ng kabuhayan ay nakatawag ng malawakang pansin ng mga Mga media at iskolar na Timog Silangang Asyano.
Inilathala kahapon ng Pasaxon ng Laos ang artikulong pinagmagtang "Pangako ng pamahalaang Tsino na magbibigay ng mas malaking pansin sa pamumuhay ng mga mamamayan". Anang artikulo, sa kanyang work report, sinabi ni Premiyer Wen na ito ang huling taon ng termino ng kasalukuyang pamahalaan, ipinangako ng pamahalaan na ikasisiya ang mga mamamyan, bagay na nagpapakita ng determinasyon ng pamahalaang Tsino sa paggarantiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Iniulat kahapon sa Asia Satellite TV-Manager online, isa sa mga pinakapangunahing media sa Thailand, na ang target sa paglaki ng GDP ng Tsina ay itinakda sa 7.5% sa taong 2012 at ito ang kauna-unahang pagpapababa ng pamahalaang Tsino ng target nito sa paglaki ng GDP sapul noong 2005. Ayon sa ulat, ito ay ibinunga ng mahigpit na pagkontrol sa real estate market, pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan, pagpapaliit ng agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap, at European Sovereign Debt Crisis.
Ipinalalagay ng nasabing ulat na ang pagbaba ng inaasahang target sa paglaki ng GDP ay magkakatulong sa pagbabawas ng nakatagong panganib ng implasyon.
Iniulat kahapon ng Lianhe Zaobao ng Singapore ang pagsasaayos ng Tsina sa target ng GDP ay nagpapakita ng determinasyon ng pamahalaang Tsino sa pagpapbaba ng bilis ng paglaki ng kabuhayan at pagpapataas na kalidad ng pag-unlad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |