|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ni Lin Yifu, Vice Governor ng World Bank (WB), na ang pagbaba ng target ng pamahalaang Tsino sa paglaki ng GDP sa taong 2012 ay naglalayong panatilihin ang matatag, malusog, at pangmatagalang pag-unlad ng pambansang kabuhayan.
Dagdag pa niya, ang hakbang na ito ay ginawa dahil naging labis na mabilis ang pag-unlad ng ilang industriya ng Tsina, at kinakaharap ng Tsina ang hamon ng inflation.
Sa Government Work Report na inilahad noong Lunes ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina, itinakda ng Tsina ang 7.5% na target sa paglaki ng GDP sa taong 2012, mas mababa ito sa 8% na target sapul noong 2008.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |