|
||||||||
|
||
Sinabi ngayong araw ni Chen Deming, Ministro ng Komersyo ng Tsina, na unti-unting magiging balance ang bilateral investment ng Tsina.
Sinabi ni Chen na noong 2011, bahagdang lumaki ang pamumuhunan ng Tsina sa labas, pero, malaki ang iniangat ng pamumuhunan ng Tsina sa Europa. Dagdag niya, ang pamumuhunan ng Tsina sa Europa ay nagkaloob ng maraming pagkakataon ng trabaho para sa mga mamamayang lokal, at nagbabayad ang mga ito ng buwis, batay sa batas ng lokalidad.
Ipinahayag pa ni Chen na sa taong 2012, patuloy na isasaayos ang estruktura ng kalakalang panlabas at pasusulungin ang pagiging balanse ng kalakalang ito.
Ayon sa estadistika, bumababa ang trade surplus ng Tsina nitong nagdaang 4 na taong singkad.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |