Sa isang preskong idinaos sa sentro ng impormasyon ng Ika-5 Pulong ng Ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), ipinahayag ni Chen Deming, Ministro ng Komersyo ng Tsina, na walang ipinagbabawal na subsidy ang pamahalaang Tsino. Sa kabilang dako, ipinasa kamakailan ng Kongresong Amerikano ang isang mosyong nagbibigay-awtorisasyon sa Kagawaran ng Komersyo nito na mangolekta ng anti-subsidy tax mula sa mga "bansang walang market economic status" na kinabibilangan ng Tsina. Ang aksyong ito, ani Chen, ay hindi angkop sa regulasyong pandaigdig.
Idinagdag pa ni Chen na tinutupad ng Tsina ang regulasyon ng mga organisasyong pandaigdig kung saan kasapi ito, ngunit wala itong obligasyon na tupdin ang mga batas at tadhanang panloob ng anumang bansa na lampas sa regulasyon ng ganitong mga organisasyong pandaigdig.
Salin: Li Feng