Sa preskon ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina na idinaos ngayong araw, isiniwalat ni Han Changfu, Ministro ng Agrikultura, na ang 2011 ay ika-8 taon ng tuluy-tuloy na paglaki ng kapwa kabuuang output ng pagkaing-butil ng Tsina at netong kita ng mga magsasakang Tsino. Dagdag niya, noong isang taon, mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng agrikultura at kabuhayang pangkanayunan ng Tsina.
Ayon sa mga estadistikang ipinalabas ni Han, noong isang taon, mahigit 570 milyong tonelada ang kabuuang output ng pagkaing-butil ng Tsina at 6977 yuan RMB naman ang karaniwang netong kita ng mga magsasaka.
Salin: Liu Kai