Ipinahayag kahapon sa Beijing ni Lang Sheng, Pangalawang Direktor ng Lupon sa Gawaing Pambatas ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina, na para susugan ang Criminal Procedure Law, malawakang nangalap ang kanyang organo ng palagay mula sa iba't ibang sirkulo ng lipunan na kinabibilangan ng mga abogado at mga karaniwang mamamayan. Aniya, ilalakip sa naturang rebisadong batas ang mga palagay ng iba't ibang sirkulo na gaya ng "paggalang at paggarantiya sa karapatang pantao."
Sa kasalukuyang idinaraos na taunang sesyon ng NPC, sinimulan ang pagsusog sa Criminal Procedure Law ng Tsina at ito ay ang ika-2 beses nang malaking pagsusog sa batas na ito, sapul noong 1996.
Salin: Liu Kai