Sa kanyang paglalahad ng work report ngayong araw sa taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina, ipinahayag ni Wu Bangguo, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng NPC, na sa taong ito, palalakasin at pabubutihin ng kanyang organo ang mga gawaing may kinalaman sa lehislasyon, kukumpletuhin ang sosyalistang sistemang pambatas na may katangiang Tsino, tutugunin ang mga pangangailangan ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa aspekto ng batas, at patataasin ang kalidad ng lehislasyon.
Binigyang-diin din niyang sa proseso ng lehislasyon, dapat ibayo pang pakinggan ang palagay ng mga mamamayan, at isaalang-alang ang interes ng iba't ibang panig para tunay na makalahok sa proseso ng lehislasyon ang mga mamamayan.
Napag-alamang noong 2011, sinuri ng Pirmihang Lupon ng NPC ang 24 na burador ng mga batas at legal interpretation, at sinusugan ang ilang mahalagang batas na gaya ng Individual Income Tax Law, Administrative Coercion Law, at iba pa.
Salin: Liu Kai