|
||||||||
|
||
Anang Wall Street Journal, ang pagpapababa ng Tsina ng target sa paglaki ng kabuhayan ay nangangahulugang gusto nitong pasiglahin ang kabuhayan sa pamamagitan ng konsumong panloob, sa halip ng pamumuhunan ng bansa.
Ayon naman sa Bloomberg News, ang pagtatakda ng target na ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng Tsina sa kalidad at episensiya ng paglaki ng kabuhayan.
Kaugnay naman ng naturang target, anang Business Week, sa pamamagitan nito, ibayo pang babaguhin ng Tsina ang paraan ng pagpapaunlad ng kabuhayan.
Sinabi naman ng Middle East News Agency na sa background na kinakaharap ng mga bansa sa Kanlurang Asya at Hilagang Aprika ang mga bagong hamon sa reporma at pag-unlad, puwede nilang hiramin ang mga karanasan ng Tsina sa mga isyung may kinalaman sa kabuhayan at pamumuhay ng mga mamamayan bilang solusyon sa sarili nilang krisis at presyur.
Ikinober din ng Russian media ang mga nilalaman ng Government Work Report hinggil sa target ng paglaki ng kabuhayan, isyu ng inflation, real estate market, at iba pa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |