|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon ng hapon sa Beijing ang ika-4 na sesyong plenaryo ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina kung saan pinakinggan at sinuri ang mga work report ng Kataas-taasang Hukumang Bayan (SPC) at Kataas-taasang Prokuraturang Bayan (SPP).
Sa kanyang report, inilahad ni Wang Shengjun, mahistrado ng Kataas-taasang Hukumang Bayan, na noong isang taon, pinalakas ng mga hukuman ang paglilitis sa mga kasong kriminal, sibil, komersyal at may kinalaman sa intellectual property rights. Aniya pa, sa taong ito, ibayo pang palalalimin ang reporma sa sistemang hudisyal.
Sa kanya namang report, inilahad ni Cao Jianming, punong prokurador ng Kataas-taasang Prokuraturang Bayan, na noong isang taon, pinalakas ng mga prokuratura ang pagbibigay-dagok sa mga krimeng pangkabuhayan at ang proteksyong hudisyal sa aspekto ng intellectual property rights, yama't enerhiya, at kapaligirang ekolohikal. Kaugnay ng pokus ng mga gawain sa taong ito, sinabi rin niyang palalakasin ang paghawak at pag-iwas sa mga kasong may kinalaman sa pag-abuso sa kapangyarihan.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |