Nitong ilang araw na nakalipas, nagbigay-pansin ang ilang pahayagan ng Timog Silangang Asya sa ahenda ng kasalukuyang idinaraos na taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina hinggil sa pagsusuri sa rebisadong Criminal Procedure Law.
Anang World News ng Pilipinas, inilakip sa naturang rebisadong batas ang mga mahalagang nilalaman na gaya ng pagbabawal sa paggamit ng mga ilegal na ebidensiya at pagpapalakas ng sistema ng pangangalaga sa saksi. Ayon sa Chinese Commercial News ng Pilipinas, ang rebisadong batas na ito ay nagpapakita ng paggalang at paggarantiya sa karapatang pantao.
Sinabi naman ng pahayagang Lianhe Zaobao ng Singapore na batay sa rebisadong batas na ito, mas pahahalagahan ang karapatang pantao at ebidensiya sa criminal procedure ng Tsina.
Salin: Liu Kai