|
||||||||
|
||
Sapul nang ilahad ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina ang Government Work Report sa seremonya ng pagbubukas ng ika-5 sesyon ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan o NPC, binigyan ng mga personahe sa Timog Silangang Asya ng positibong pagtasa ang naturang ulat, at ipinalalagay nilang ang matatag na pag-unlad ng kabuhayang Tsino ay nagpatingkad ng positibong ambag para sa kasaganaan at kaunlaran ng rehiyong ito, maging ng buong mundo.
Ipinahayag ni Dr. Anek Laothamatas, propesor ng Rangsit University ng Thailand, na kasabay ng mabilis na pagpapayabong ng kabuhayang Tsino, nagiging palalim nang palalim ang impluwensiya ng taunang government work report ng Tsina. Nagpadala ang kasalukuyang work report ng maraming malinaw na impormasyon sa mga mamamayan sa apat na sulok ng daigdig, at positibo ang katuturan ng mga impormasyong ito para sa Tsina at Thailand, maging sa buong daigdig.
Sinabi naman ni Tai Tam Giao, propesor ng Hanoi University ng Biyetnam, na kasabay ng pagbilis ng proseso ng globalisasyon, humihigpit ang palaasa sa isa't isa ng kabuhayang Tsino't pandaigdig. Sa ilalim ng kalagayang nagbabanta pa sa daigdig ang krisis na pinansiyal, ang matatag na pag-unlad ng kabuhayang Tsino ay nagpalakas ng kompiyansa sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Ginoong Sykhoun Bounvilay, Pangkalahatang Kalihim ng Samahan ng Pagkakaibigan ng Laos at Tsina, lubos na idinidispley ng naturang government work report ang kapansin-pansing tagumpay ng pamahalaang Tsino sa bagong kalagayang pandaigdig na lipos ng pagkakataon at hamon. Aniya, kahit pansamantalang pinabagal ng Tsina ang bilis ng paglaki ng kabuhayan, nagpapakita itong nalaman na ng pamahalaang Tsino ang mga problema sa proseso ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayan, at lubos na pinahahalagahan nito ang pagpapanatili ng katatagan at kalidad ng pag-unlad.
Ipinahayag naman ni U Hlaing Myint Oo, Embahador ng Myanmar sa Tsina, na hinanap na ng Tsina ang landas ng pag-unlad at sistemang pulitikal na angkop sa sariling kalagayan. Nagsisilbing mahalaga't pundamental na lakas-panulak ng pag-unlad ng Tsina ang sistema ng NPC.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |