|
||||||||
|
||
Ipininid kaninang umaga sa Beijing ang Ika-5 Pulong ng Ika-11 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).
Nangulo sa seremonya ng pagpipinid si Jia Qinglin, Tagapangulo ng CPPCC. Sa kanyang talumpati, tinukoy ni Jia na sa panahon ng pulong, malalimang tinalakay ng mga kagawad ang Government Work Report, at nagharap sila ng mga mungkahi hinggil sa pagpapalakas at pagpapabuti ng makro-kontrol, pagpapabilis ng pagbabago ng porma ng pag-unlad ng kabuhayan, paggarantiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, pagpapalalim ng reporma at pagbubukas sa labas, pagpapalakas ng konstruksyong kultural, at iba pa.
Sa pamamagitan ng pagboto, naipasa ng 2121 kagawad ng CPPCC ang Work Report ng Pirmihang Lupon ng CPPCC, Ulat ng Pagsusuri sa mga Mosyon, at Resolusyong Pulitikal ng Pulong.
Dumalo sa seremonya ng pagpipinid ang mga lider ng partido at bansa na kinabibilangan nina Hu Jintao, Wu Bangguo, Wen Jiabao, Jia Qinglin, Li Changchun, Xi Jinping, Li Keqiang, He Guoqiang, Zhou Yongkang at iba pa.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |