Pinagtibay kaninang umaga ng Ika-5 Taunang Sesyon ng Ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC ang sinusugang Criminal Procedure Law na nagtatampok sa pangangalaga sa lehitimong karapatan at interes ng mga mamamayan. Ito ang ika-2 pinakamalaking pagsususog sa batas na ito pagkaraan ng 16 taon.
Ang paggagalang at pangangalaga sa karapatang pantao ay inilakip sa saligang prinsipyo ng sinusugang batas.
Samantala, itinakda nitong sinuman ay hindi dapat pilitin na amining magkasala at buong liwanag na itinakda ang kapantayan ng pagwawalang-bisa ng ilegal na katibyan. Bukod dito, may dagdag pa artikulong ipadala sa detention house ang suspekt at dapat mag-audio at vedio sa proseso ng pagkukuwesyon sa detention house.