|
||||||||
|
||
Ipininid ngayong umaga sa Beijing ang ika-5 Taunang Sesyon ng Ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC.
Sa sesyong ito, sinuri at pinagtibay ang mga resolusyon hinggil sa Government Work Report; pambansang plano ng pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa taong 2012; National Budget Report sa taong 2012; pagsusog sa criminal law; tadhana ng paghalal ng mga kinatawan sa susunod na NPC; at mga Work Report ng NPC, Kataas-taasang Hukumang Bayan (SPC), at Kataas-taasang Prokuraturang Bayan (SPP).
Dumalo sa seremonya ng pagpipinid ang mga lider ng bansa at Partido Komunista na sila Hu Jintao, Wu Bangguo, Wen Jiabao, Jia Qinglin, Li Changchun, Xi Jinping, Li Keqiang, He Guoqiang, at Zhou Yongkang.
Sa kanyang talumpati sa seremonya, sinabi ni Wu Bangguo na dapat lagumin ang karanasan sa gawain ng NPC noong nakaraang ibang taon, at ibayo pang pabutihin ang inobasyon sa mga gawain nito, para mas mabisang patingkarin ang mahalagang papel ng NPC bilang kataas-taasang organo ng kapangyarihan ng bansa.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |