Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina na umabot na sa 47 trilyong yuan RMB ang kabuuang bolyum ng kabuhayang Tsino, at batay sa pundasyong ito, di mababa ang 7.5% paglaki.
Winika ito ni Wen sa isang preskon ng ika-5 taunang sesyon ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan o NPC. Aniya, ang pagpapababa ng bilis ng paglago ng kabuhayang Tsino sa 7.5% mula 8% ay naglalayong ilipat ang pokus ng paglago ng kabuhayan sa pagpapaprogreso ng siyensiya't teknolohiya at pagpapataas ng kalidad ng mga manggagawa, tunay na isakatuparan ang de-kalidad na paglaki, tahakin ang tumpak na landas ng pagtitipid ng konsumo ng enerhiya at pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, at ihatid ang benepisyo ng pag-unlad ng kabuhayan sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Salin: Vera