Sa preskong idinaos ngayong araw sa Beijing, ipinahayag ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina na posibleng lumapit sa balanseng lebel ang RMB exchange rate.
Aniya, sapul nang ireporma ang exchange rate noong 2005, tumaas na ng 30% ang real effective exchange rate ng Tsina. Pagpasok ng Setyembre noong isang taon, lumitaw ang bidirectional floating ng Non-deliverable Forward sa pamilihan ng Hong Kong. Ito aniya ay nagpapakita na posibleng lumapit sa balanseng lebel ang RMB exchange rate ng Tsina.
Salin: Vera