|
||||||||
|
||
Noong nakaraang 10 araw sapul nang buksan ang taunang pulong ng ika-5 sesyon ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), tinanggap ng China Radio International o CRI, ang maraming feedbacks mula sa mga magiliw na tagasubaybay ng mga bansang Timog Silangang Asya.
Sinabi ni Vic, taga-Pilipinas, na "Puno ng international reporters ang session hall. ganun karami ang mga tauhan ng iba\'t ibang media groups na gustong mag-cover ng opening ceremony at entire proceedings."
Sinabi naman ni San Andres Boys, taga-Pilipinas, na: "Mabuhay ang npc at cppcc! kami ay mga lihim nilang tagahanga. marami silang achievements at kapakipakinabang sa balana ang kanilang mga ginawa."
Nag-iwan ng mensahe sa aming website si Angie Leynes, taga-Pilipinas: "Para sa akin, mahalaga ang naka-schedule na meeting ng npc at cppcc dahil iba na ang status ng china ngayon at anumang decision ang gawin ng chinese congress ay siguradong may impact sa ibang bansa."
Ipinahayag ni Mr. Duangmixay Likaya, kilalang artista ng Laos, na maraming proposal ng mga kinatawan ay may mahigpit na kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan, ipinakikita nito ang pagpapahalaga ng pamahalaan at partido ng Tsina sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga sibilyan. Aniya, pinababa ng pamahalaang Tsino ang target ng paglaki ng kabuhayan, ito ay nakakatulong bawasan ang negatibong impluwensya na dulot ng over-heated na paglaki ng kabuhayan.
Sinabi naman ni Sujipto, tagasubaybay ng Indonesya, na "Umaasa akong patuloy na malusog at mabilis na uunlad ang Tsina. Ang pagiging mas masagana at mayaman ng Tsina ay makakasulong sa pag-unlad ng rehiyon, lalung lalo na, sa Indonesya."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |