|
||||||||
|
||
Ipininid dito sa Beijing kahapon ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina, at pagkatapos nito, nakipagtagpo si Premyer Wen Jiabao ng Tsina sa mga mamamahayag na Tsino't dayuhan. Sa 3-oras na preskon, sinagot ni Wen ang mga tanong na may kinalaman sa reporma at pag-unlad ng Tsina, na gaya ng kung bakit pinababa ng Tsina ang ekspektasyon ng paglago ng kabuhayan, kung paanong paliliitin ang agwat ng kita at iba pa. Binigyang-diin niyang pumasok na sa yugto ng pagpapatibay ng natamong bunga ang reporma ng Tsina, at dapat pasulungin ang reporma.
Ayon sa kasalukuyang Government Work Report, ang target ng paglago ng kabuahyang Tsino sa taong ito ay 7.5%, na mas mababa kaysa noong nagdaang ilang taon. Kaugnay nito, ipinahayag ni Premyer Wen na,
"Ang pananaig ng kabuhayang Tsino sa problema ng di-balanse, di-koordinado at di-sustenableng pag-unlad, at pagtahak sa landas ng pagpapahalaga ng kalidad ay makakabuti sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig. Sa kasalukuyan, dapat maayos na hawakan namin ang relasyon sa pagitan ng pagpapanatili ng matatag at may kabilisang pag-unlad ng kabuhayan, pagsasaayos ng estruktura, at pangangasiwa sa ekspektasyon ng implasyon. Dapat hanapin ang mas malaking benepisyong pangkabuhayan sa pamamagitan ng parehong kabuuang bolyum ng kabuhayan, para makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan."
Ang taong ito ay huling taon ng termino ng kasalukuyang pamahalaan. Ilang beses na binigyang-diin sa preskon ni Wen na ang kapangyarihan ng pamahalaan ay mula sa mga mamamayan. Aniya, sa huling taon ng kanilang termino, tiyak na pabubutihin ng kanyang pamahalaan ang sumusunod na ilang bagay:
"Una, dapat itakda ang pangkalahatang plano sa reporma ng sistema ng distribusyon ng kita; ika-2, dapat ipalabas ang regulasyon ng kompensasyon sa pagpapataw ng kolektibong lupa sa kanayunan para maigarantiya ang karapatan sa ari-arian ng nakontratang lupain ng mga magsasaka; ika-3, isakatuparan ang pagkalat ng endowment insurance sa lahat ng mga lunsod at nayon; ika-4, komprehensibong pasulungin ang gawain ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap na purok batay sa bagong pamantayan; ika-5, dahil nailakip na sa budget ang laang-gugulin ng edukasyon na katumbas ng 4% ng GDP, dapat naming isakatuparan ang target na ito sa pamamagitan ng pagsisikap, at makatwirang gamitin ang naturang laang-gugulin."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |