Kahapon, ipinalabas ang pahayag ng Taliban ng Afghanistan na nagsasabing mula sa araw na ito, itinitigil ang talastasan nito ng Estados Unidos (E.U.) sa Qatar hanggang maging malinaw ang paninindigan ng E.U. sa pagpapalaya ng mga dinukot na Taliban at iba pang isyu.
Sa pahayag, hiniling ng Taliban sa E.U. na palayain ang mga Taliban na nakapiit sa Guantanamo Bay Detention Centre at pinabulaanan ang paglahok ng pamahalaan ng Afghanistan sa talastasan ng Qatar. Binigyan-diin pa ng pahayag na bago ganap na umurong mula sa Afghanstan ang mga tropang dayuhan, hindi nito isasagawa ang anumang talastasan sa pamahalaan ng Afghnistan.
Sa isang regular na news briefing, ipinahayag ni Jay Carney, Tagapagsalita ng White House na kinakatigan pa ng kanyang bansa ang proseso ng kompromisong pulitikal ng Afghanistan, hindi nagbabago ang paninindigang ito dahil sa pagtigil ng talastasan sa Taliban.