|
||||||||
|
||
Inamin ngayong araw ng panig pulisya ng Indonesya na isinagawa nito kahapon ang isang aksyon laban sa terrorismo sa isang hotel ng Bali Island, na nagresulta sa pagkakapatay sa 5 kataong pinaghihinalaang terorista.
Ayon sa pulisya, sa halos isang buwan, sinubaybayan nila ang naturang mga suspek at ito ang nagbigay-daan sa pagkakatuklas sa maraming armamento na nasa kanilang posesyon.
Ayon pa sa pulisya, ang naturang mga suspek ay may kinalaman sa isang terrorist organization na nagnakaw sa isang bangko noong Agosto ng 2011. Sa kasalukuyan, iniimbestigahan kung may kinalaman din sila sa pagsasanay ng mga terorista, na natuklasan sa Aceh noong 2010.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |