Sa isang preskon na idinaos kahapon sa Seoul ng delegasyong Tsino pagkaraang dumalo sa Nuclear Security Summit (NSS), ipinahayag ni Miao Xu, Ministro ng Industriya at Impormasyon ng Tsina na bilang isang malaking bansa sa pagpapaunlad ng enerhiyang nuklear, mataas na pinahahalagahan ng Tsina ang nuclear safety at tutol na tutol sa pagpapalaganap ng sandatang nuklear at terorismong nuklear.
Sinabi ni Miao na hanggang sa kasalukuyan, naitatag na ng Tsina ang napakakompletong batas, regulasyon at sistema ng pagmomonitor at napapanatili ang magandang rekord sa nuclear safety.
Idinagdag pa ni Miao na ipinalalagay ng Tsina na hindi dapat hadlangan ang karapatan ng mga bansa sa mapayapang paggamit ng enerhiyang nuklear kapag pinapalakas ang nuclear safety. Naninindigan ang panig Tsino na dapat palakasin ang nuclear saftey sa pamamagitan ng kooperasyong pandaigdig, pagpapatingkad ng namumunong papel ng UN at International Atomic Energy Agency at pagbibigay-tulong sa mga umuunlad na bansa.