Natapos kahapon ang 4 na araw na joint patrolling sa Mekong River, na isinagawa ng mga bansang kinabibilangan ng Tsina, Laos, Myanmar at Thailand, batay sa kanilang paggagalangan at pagtutulungan.
Ito ay ang ika-3 ulit nang pagpapatrolya na isinagawa ng naturang mga bansa, sa ilalim ng kasunduan sa pagpapanatili ng kaayusan sa Mekong River.
Nauna rito, iminungkahi rin ng nabanggit na 3 bansang ASEAN, na idagdag ang mga aksyon na gaya ng pagbibigay-dagok sa pagbebenta ng sandata at droga, transnasyonal na krimen, at pagbebenta ng kababaihan at kabataan, sa nilalaman ng naturang law enforcement deal, para ibayo pang palakasin ang kanilang pragmatikong kooperasyon sa rehiyong ito.