Ayon sa Sekretaryat ng China-ASEAN Expo o CAExpo, kasabay ng walang tigil na paglakas ng impluwensiya at aktuwal na bisang pangkabuhaya't pangkalakalan ng CAExpo, malinaw na lumaki ang pangangailangan sa bilang ng mga booths ng ASEAN at iba pang bansa, at umabot ito sa bilang na 1480 sa ika-9 na CAExpo.
Ayon sa salaysay, patataasin pa sa kasalukuyang CAExpo ang bilang at kalidad ng mga mamimili, aanyayahan din ang mas maraming mamimiling Tsino't dayuhan at mga mamimili sa mas maraming pangunahing industriya, palalakasin ang kooperasyon ng mga samahan ng pangunahing industriya ng Tsina at ASEAN, at itatakda ang isang serye ng preperensiyal na patakaran para sa mga mamimili.
Salin: Vera