|
||||||||
|
||
Nagpalabas kahapon ng ulat ang US-China Bussines Council ng Estados Unidos na nagpapakitang noong 2011, lumampas, sa kauna-unahang pagkakataon, sa 100 bilyong dolyares ang pagluluwas ng Amerika sa Tsina. Sa kasalukuyan, nagsisilbing ika-3 pinakamalaking pamilihan ng pagluluwas ng Amerika ang Tsina, na sumunod lamang sa Kanada at Mexico.
Ayon sa ulat, ang mga iniluwas na produktong Amerikano sa Tsina noong isang taon ay kinabibilangan ng, pangunahing na, produktong agrikultural, elektrikal at kemikal, at mga pasilidad ng transportasyon na gaya ng eroplano at sasakyang de motor.
Sinabi ni Erin Ennis, Pangalawang Tagapangulo ng nabanggit na konseho, na mahalagang mahalaga para sa pag-unlad ng kabuhayan at paglikha ng hanapbuhay ng Amerika ang pagluluwas sa Tsina. Pagkatapos ng resesyon ng kabuhayan, mas mabilis kaysa iba pang rehiyon ang pagpapanumbalik ng pagluluwas ng Estados Unidos sa Tsina.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |