|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon sa Bo'ao, Hainan Province, ni Li Keqiang, Pangalawang Premyer ng Tsina, na dapat gamitin ng Tsina at Biyetnam ang mainam na hakbangin para maayos na hawakan ang isyu ng South China Sea at pangalagaan ang malusog na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Nakipagtagpo kahapon si Li kay Hoang Trung Hai, Pangalawang Punong Ministro ng Biyetnam na dumalo sa Bo'ao Forum for Asia. Sinabi ni Li na dapat ibayo pang pahigpitin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa mga aspekto ng kultura, kabuhayan at kalakalan.
Dagdag pa ni Li, kinakatigan ng pamahalaang Tsino ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa Biyetnam, at umaasa aniya siyang ipagkakaloob ng pamahalaan ng Biyetnam ang patakarang preperesyal sa mga ito.
Sinabi ni Hoang Trung Hai, na nakahanda ang kanyang bansa na buong sikap na palalimin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |