Para ibayo pang parusahan ang mga teroristikong puwersa ng East Turkistan, ipinalabas kahapon ng Ministri ng Public Security ng Tsina ang ika-3 listahan na naglalaman ng pangalan ng 6 na terorista. Ayon pa sa naturang ministri, naipasya na ring ipa-freeze ang mga pondo at ari-arian ng naturang anim na suspek, ayon sa batas.
Anang pahayag, ang nasabing anim na terorista ay mga pangunahing miyembro ng Eastern Turkistan Islamic Movement na lumahok, nagdisenyo, at nagsagawa ng iba't ibang teroristikong aktibidad laban sa mga target sa loob at labas ng Tsina.