Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon sa Beijing kay dumadalaw na Princess Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand, ipinahayag ni Pangalawang Pangulong Xi Jinping ng Tsina na pangkaibigang kapitbansa ang Tsina at Thailand, at mas madalas ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, lalo na sa larangan ng humanidad. Aniya, pinapalakas pa ang umiiral na pagkakaibigan ng dalawang panig.
Ipinahayag din ni Xi na positibo ang Tsina sa kontribusyon ni Prinsesa Sirindhorn sa pagpapalaganap ng Chinese culture, at pagpapasulong ng tradisyonal na pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Prinsesa Sirindhorn na positibo siya sa pagpapanatili ng mainam ng relasyon ng Tsina at Thailand, at handa na siyang magsikap, para sa ibayo pang pagpapasulong ng nasabing relasyon.