Binigyang-diin kahapon ng ilang departamento ng Tsina na namamahala sa internet, na buong higpit na paparusahan ng Tsina, alinsunod sa batas, ang mga taong nagkakalat ng tsismis sa internet. Ito anila ay dahil, ang pagkakalat ng tsismis sa internet ay lumalapastangan sa lehitimong interes ng publiko at sumabotahe sa katatagan ng lipunan.
Tinukoy din ng naturang mga departamento na upang pigilin ang pagkalat ng tsismis sa internet, dapat isabalikat ng mga internet company ang kanilang responsibilidad para hindi magkaroon ng plataporma ang pagkalat ng di-totoong balita.
Salin: Liu Kai