Dumating kahapon sa London si Li Changchun, Pirmihang kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Kumunista ng Tsina(CPC), para pasimulan ang kanyang opisyal na pagdalaw sa Britanya.
Sa kanyang talumpati sa paliparan, sinabi ni Li na lubusang pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon nito sa Britanya, at nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Britanya, para ibayo pang pasulungin ang estratehikong partnership ng dalawang panig sa iba't ibang larangan.
Aniya, nananatili ang masalimuot na kalagayang pandaigdig, at ang pagpapalakas ng kooperasyon ng Tsina at Britanya ay hindi lamang angkop sa komong interes ng dalawang bansa, kundi makakatulong din sa pangangalaga sa kasaganaan at katatagan ng daigdig.