Ayon sa China News Service, nasa pangalawang araw ang kasalukuyang "Shoulder to Shoulder" ensayong militar ng Pilipinas at Estados Unidos. Ang pagsasanay na ito ay kinabibilangan, pangunahin na, ng survival training sa kagubatan na ginanap sa Nueva Ecija, at symposium sa makataong tulong at reaksyon sa kalamidad na idinaos naman sa Maynila.
Ipinahayag ng tagapagsalitang militar ng Pilipinas sa pagsasanay, na positibo ang kasalukuyang ensayo sa mga non-military actions at humanitarian projects, kasama na ang konstruksyon ng daan, paaralan, at pagkakaloob ng serbisyong medikal sa mga mamamayan sa mga di-maunlad na purok.
Ayon pa sa ulat, ang naturang symposium ay naging bahagi ng headquater exercises sa "Balikatan." Binigyang diin ng panig militar ng Pilipinas na ang ensayong ito ay naglalayong kumpletuhin ang makataong tulong at reaksyon sa kalamidad sa pamamagitan ng diyalogo.