Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paring Pilipino, kasabay ng isang Tsino sa Goldman Environmental Prize

(GMT+08:00) 2012-04-19 19:21:48       CRI

PARING PILIPINO, KASABAY NG ISANG TSINO SA GOLDMAN ENVIRONMENTAL PRIZE

NAKASAMA sa Goldman Environmental Prize si Fr. Edwin Gariguez, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines' National Secretariat of Social Action, Justice and Peace sa San Francisco, California noong Lunes. Kasama niya ang isang Tsino na nagngangalang Ma Jun.

Nagtungo ang awardees sa Washington, D. C. at dumalaw sa White House upang makaharap si Nancy Sutley, pinuno ng Council on Environmental Quality no Pangulong Barack Obama. Sa kanilang pagdalaw sa U. S. Capitol, nakausap nila ang mga mambabatas ng Amerika sa pamamagitan ni California Congresswoman Nancy Pelosi.

Binanggit ni Fr. Edu ang pangangailangan sa transnational corporations na magkaroon ng tunay na transparency at accountability sa kanilang pagkakalakal, tulad ng pagmimina. Kailangan umanong magpatuloy ang dialogue at pagharap ng mga kumpanya sa civil society organizations at sa pagbuo ng mga polisiya.

Sumangayon umano si Ma Jun ng Tsina sa kanyang panukala lalo pa't nanawagan si Fr. Edu sa mga pamahalaan na magkaroon gn regulatory power sa transnational corporations at tiyaking hindi lamang ang kalakal ang nangungunang prayoridad. Kailangan umano ang paggalang sa mga karapatan ng mga mamamayan, lalo na ng mahihirap. Dapat ding ipangtanggol ang mga mamamamayan at kalikasan.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Fr. Edu na ang mga Mangyan ng Mindoro ang nagturo sa kanya kung paano alagaan ang Kalikasan at ang daigdig. Para sa mga katutubo, inihahalintulad nila ang kalikasan sa isang sinapupunan na nag-aaruga at nagpapalaki sa sanggol nito. Isa umanong babaeng Mangyan ang handang mamatay sa hunger strike na ginawa maipagtanggol lamang ang kanilang watershed na nasa peligro dahilan sa minahan.

SA PAGPASOK NG KALAKAL, PANGINGIBANG-BANSA, MABABAWASAN

KUNG noong mga nakalipas na panaho'y nakilala ang mga Pilipino bilang "economic refugees," sa ilalim ng Aquino Administration ay nabago na ito. Sa pangingibang-bansa ng mga Pilipino kumalat ang ilan sa pinakamagagaling at matatalinong mga taosa apat na sulok ng daigdig sa paghahanap ng mas magandang kinabukasan.

Sa kanyang talumpati sa Second Ministerial Meeting on the Abu Dhabi Dialogue sa Manila Sofitel Hotel kaninang umaga, sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na binabaliktad na nila ang sistema. Ang mga manggagawa ay lumalabas ng bansa hindi sa mahigpit na pangangailangan bagkos ay sa kanilang personal na desisyon.

Ani Pangulong Aquino sa mga ministro ng paggawa mula sa iba't ibang bansa sa Asia at Gitnang Silangan, kung ang mga Pilipino ay mag-aaral ng mahusay, magpupunyagi at mananatiling may dedikasyon sa kanilang ginagawa, hindi na nila kailangan pang mangibang bansa upang mabuhay ng maayos at masagana. Hindi na kailangan pang magsakripisyo sa pagdalaw sa kanilang mga magulang at magkakaroon pa ng panahong masubaybayan ang paglaki ng kanilang mga supling.

Ito ang pinagkakaabalahan ng pamahalaan upang pumasok ang mga investor upang magkaroon ng mas maraming trabaho at makapagbigay ng panahong makita na mayroong magandang buhay para sa kanila sa Pilipinas.

Bagama't hirapan sa kanilang mga hanapbuhay sa ibang bansa, wala na silang magagawa kungdi pagbutihin ang kanilang trabaho at mahalaga ang kanilang ambag saanman sila magtungo.

Nakita na ang galing ng mga Pilipino sa trahedya sa Fukushima na nagkaroon ng ilang matatapang, maawaring mga Pilipinong "caregiver" at narses na tumangging iwanan ang kanilang mga inaalagaan.

Sa halos sampung milyong mga Pilipinong manggagawang nasa ibang bansa, at may animnapung porsiyento ang nasa mga bansang may mga kinatawan sa dialogue na nagaganap sa Pilipinas, mayroon ding 12% ng lahat ng migrant workers na naghahanapbuhay sa mga bansang kasapi sa pulong.

Nakataya ang kalagayan ng mga manggagawang naghahanap-buhay ditto at nais ni Pangulong Aquino na marapat lamang tratuhin ang mga manggagawang Pilipino ng naaayon sa batas.

KALIHIM JOSE RENE ALMENDRAS: KOMPLIKADO ANG PROBLEMA SA ENERHIYA

HINDI madaling malutas ang problemang kinakaharap ng bansa sa larangan ng enerhiya. Ito ang sinabi ni Kalihim Jose Rene Almendras sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag kaninang umaga.

Ipinaliwanag ni Kalihim Almendras na 36.4% ng enerhiya sa Pilipinas ang nagmumula sa langis na inaangkat mula sa Gitnang Silangan. May 21% naman ang nagmumula sa geothermal power, 17.3% ang nagmumula sa uling, 13.1% ang mula sa biomass at mayroong 7.4% ang nagmumula sa natural gas. May 4.8% lamang ang nagmumula sa hydropower.

Layunin umano ng pamahalaan na maging "self-sufficient" ang bansa sa larangan ng enerhiya kaya't sinimulan ang hydro at geothermal power noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Pinagtangkaan pa rin ng bansang gumamit ng nuclear energy.

Umaabot lamang sa 39 na megawatts ang nagmumula sa wind at solar energy, dagdag pa ni Kalihim Almendras.

Wala pa rin umanong tatalo sa mas maraming pinagkukunan ng enerhiya sapagkat ang Pilipinas ay walang control sa mga nagaganap sa labas ng bansa. Inihalintulad niya ang New Zealand na noon ay 100% na umaasa sa hydropower subalit ngayo'y mayroon nang mga geothermal power plants.

Bagama't mayroong nagmumungkahing gumamit ng nuclear energy, hindi umano ganoon kadali ang pagtatayo ng plantang nuclear sapagkat mangangailangan ito ng masusing pag-aaral at pagtanggap ng mga mamamayan. May nagmungkahi umano na magtayo ng nuclear power plant sa Mindanao subalit ipinaliwanag ni Kalihim Almendras na ang bawat nuclear power plant ay magiging viable sa pagkakaroon ng 1,000 megawatt production samantalang 820 megawatts lamang ang konsumo ng Mindanao.

Idinagdag pa ni Ginoong Almendras na hindi naman uubra ang coal-fired power plant sa Masbate sapagkat ang viability ng isang coal-fired power plant ay 300 megawatts production. Wala pa sa 300 megawatts ang kailangan ng Masbate.

Kung renewable energy ang pag-uusapan, kabilang ang Pilipinas sa nangungunang bansang nagsusulong nito. 39% ng enerhiya sa Pilipinas ay mula sa renewable energy.

BISHOPS-BUSINESSMEN'S CONFERENCE, HUMADLANG SA MINAHAN SA BICOL

NABABAHALA ang mga negosyante at mga Obispo sa Bikol sa pagsulpot ng maraming mga minahan sa rehiyon. Sa isang pahayag ng Bishops'-Businessmen's Conference for Human Development, na peligroso ang Bikol sa matinding pag-ulan kaya't nanganganib ang mga mamamayan na magkaroon ng acide mine spillage.

Anila, ang Total Economic Valuation na bahagi ng bagong mining policy na magsusuri sa paninindigan ng mga mamamayan na huwag nang ituloy pa ang mga minahan sa rehiyon.

Pansamantalang pagbabawal ang kailangan sa Bikol, ayon sa pahayag na ipinalabas kahapon. Bukod sa pagkapinsala ng kapaligiran, magkakaroon din ng economic dislocation at problema sa kalusugan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>