|
||||||||
|
||
Ayon sa Xin Hua News Agency ng Tsina, sa kanyang pakikipagtagpo kahapon sa Beijing kay dumadalaw na Punong Ministrong Yingluck Shinawatra ng Thailand, sinabi ni Pangalawang Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na bilang mga mahalagang bansa sa rehiyong ito, may malawak na landscape ang Tsina at Thailand sa pagpapahigpit ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, pangunahin na sa pagpapasulong ng kabuhayan, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Idinagdag pa ni Xi na positibo rin ang papel ng dalawang bansa sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, para mapangalagaan ang kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyon at daigdig.
Aniya, umaasa ang Tsina na magsisikap ang dalawang bansa, para ibayo pang mapasulong ang kanilang pagtutulungan sa pamamagitan ng pagpapalalim ng pagtitiwalaang pulitikal,pagpapalakas ng pragmatikong kooperasyon, at pagpapalawak ng pagpapalitan ng mga tauhan.
Sinabi naman ni Shinawatra na positibo ang Thailand sa tradisyonal na pagkakaibigan sa Tsina, at estratehikong partnership nito sa iba't ibang larangan. Aniya, handa na ang kanyang bansa sa ibayo pang pagpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng ASEAN at Tsina, at Silangang Asya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |