Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Asya: nakakabawi na, marami pang nararapat gawin

(GMT+08:00) 2012-04-20 18:33:43       CRI

ASYA: NAKAKABAWI NA, MARAMI PANG NARARAPAT GAWIN

NAKAKABAWI NA ANG ASYA SA KRISIS.  Ipinaliliwanag ni ADB Managing Director General Rajat M. Nag (pangalawa mula sa kaliwa) ang mga nararapat gawin upang maibsan ang kahirapan sa Asya sa kanyang pagharap sa Foreign Correspondents Association of the Philippines kanina.  Idaraos ang 45th ADB Annual Meeting sa Maynila sa darating na Mayo 2-5, 2012.

UNTI-UNTI ng nakakabawi ang Asya sa matinding dagok ng krisis sa pandaigdigang ekonomiya. Matipuno at matibay na ang takbo ng ekonomiya ng rehiyon, ayon kay Asian Development Bank Managing Director General Rajat M. Nag sa kanyang pagharap sa Foreign Correspondents Association of the Philippines.

Panauhin sa isang roundtable discussion kaninang umaga sa Mandarin Manila Hotel si Ginoong Nag at kasama sina External Relations Director Omana Nair at ADB Country Director for the Philippines Neeraj K. Jain.

Ayon kay Ginoong Nag, umaasa silang gaganda ang growth rate para sa rehiyon sa 6.9% ngayong 2012 at tataas sa 7.3% sa susunod na taon. Maganda rin umano ang inflation rate na bumababa mula sa 5.5% noong 2011 at natungo sa 4.6% sa taong 2012 at 4.4% sa 2013.

Idinagdag pa niya sa likod ng magandang balita, maraming nararapat gawin ang Asian community tulad na pagbabawas sa agwat ng mahihirap sa mga mayayaman. Milyun-milyon umanong mga mamamamayan ang nananatiling mahirap at naiiwanan na ng mga umuunlad at yumayamang mga mamamayan. Ikinalulungkot ng ADB ang kawalan ng maayos na kahihinatnan ng mgamahihirap.

Ayon kay Ginoong Nag, 240 milyon katao ang hindi nakaka-angat sa kahirapan sa nakalipas na 20 taon. Ito rin ang malaking hamon sa mga bansang mauunlad, kung paano makakatulong sa mahihirap, tulad ng mga kabataang hindi nakakatapos ng pag-aaral sa elementarya at hindi nakakapasok sa kolehiyo.

Hindi umano magiging tagumpay ang isang rehiyon tulad ng Asya kung malaki ang bilang ng mga mahihirap.

Tinataya ng Asian Development Bank na may 900 milyong katao ang mahihirap at kumikita ng kulang sa isang dolyar sa bawat araw.

Kung magkakaroon umano ng seryosong pagpapalakad sa bawat bansa sa Asya, pagsapit ng taong 2050, higit na sa kalahati ng Gross Domestic Product ang magmumula sa Asya. Uunlad na rin ang buhay ng mga taga-Asya at maihahambing na sa Kanlurang Europa.

Posibleng umunlad ang kalagayan ng Asya upang mabura na ang katagang kahirapan kung titiyaking maayos ang pagpapalakad sa pamahalaan. Kailangan ding harapin ang mga hamong kailangang malampasan tungo sa kaunlaran.

Niliwanag pa ni Ginoong Nag na sa pagunlad ng alinmang bansa ay magiging makasaysayan sa oras na madama ng mga mamamayan ang pag-unlad.

SAMANTALA, nakatakdang pag-usapan ng mga finance minister at mga gobernador ng mga bangko sentral ng sampung bansang kasama sa Association of South East Asian Nations at Tsina, Timog Korea at Japan (kilala sa pangalang ASEAN + 3) ang mga panukalang dagdagan ang pondo sa ilalim ng regional currency swap sa 45th ADB Annual Meeting sa Maynila.

Magsisimula ang pulong sa Philippine International Convention Center sa Miyerkoles, ikalawang araw ng Mayo ang taunang pagpupulong at magtatapos sa Sabado, ikalima sa buwan ng Mayo.

Magkakaroon din ng bilateral meetings ng mga finance minister at Central Bank Governors ng ASEAN + 3 kasama ang kanilang mga deputy.

Mayroong panukala para sa ASEAN + 3 nadoblehin ang regional currency swap mula sa $ 120 bilang buffer dahilan sa kawalan ng katiyakan sa European debt crisis. Nagkabisa ito noong ika-24 ng Marso 2010 at nakilalang Multilateralized Chiang Mai Initiative sa ASEAN + 3 Finance Ministers Meeting. Safety net ito ng mga bansang maliit ang foreign currency reserves.

APAT NA PINAY, NAILIGTAS SA SINDIKATO

APAT na biktima ng human trafficking ang nailigtas ng Malaysian Royal Police sa pamamagitan ng kanilang Criminal Investigation Division Anti Human Trafficking Section at Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur. Nailigtas sila sa karumaldumal na kalagayan noong Miyerkoles.

Parang mga bilanggo ang mga biktima at puwersahang pinagtatrabaho sa isang nightclub sa Johor Baru may 220 kilometro mula sa Kuala Lumpur, malapit sa hanggangan nito sa Singapore.

Ayon kay Ambassador Eduardo Malaya, ang mga biktima'y pawang taga-Maynila at narecruit ng isang Ramil Garcia na nagdala sa kanila sa Zamboanga City at dinala sa Sandakan sa Sabah. Pinangakuan ang mga kababaihan ng mataas na sahod samantalang nasa Malaysia.

Pagdating sa Sandakan, isang Norminda Buko Whigan ang tumanggap sa kanila upang ipagbili sa mga night club owner bilang customer service workers. Sinabihan sila ng kanilang trabaho pagdating na sa Sandakan. Matapos ang dalawang linggo sa Sandakan at walang bumili sa kanila, isinakay sila sa eroplano at dinala sa Johor Baru noong Marso 29 at inialok sa isang nagngangalang Emy Wong. Ipiniit sila sa bahay ni Wong at pinagtrabaho sa night club kaagad.

Ang mga babae ay mula 27 hanggang 36 na taong gulang at nakahingi ng tulong sa isang NGO sa Maynila na nagbigay alam ng pangyayari sa embahada.

Ipinaalala ng Embahada ng Pilipinas sa Malaysia na mag-ingat sa mga alok ng mga ahente na may magandang trabaho sa Malaysia. Ang dumadaan sa "back door" ng walang sapat na dokumento ay tiyak na mga biktima ng human trafficking.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>