Nagpalabas kahapon ng pahayag ang tagapagsalita ng Committee of Space Technology ng Hilagang Korea na nagsasabing, sa kabila ng pagtutol ng mga puwersang ostilo na gaya ng Amerika, Hapon, at Timog Korea, patuloy na maglulunsad ang kanyang bansa ng practical satellite.
Anang pahayag, palalawakin at palalakasin ng Hilagang Korea ang paggagalugad sa kalawakan, ayon sa plano ng bansa, at puspusang pauunlarin at patuloy na ilulunsad ang iba't ibang practical satellite na kinakailangan sa pag-unlad ng pambansang kabuhayan.
Salin: Vera