Nakipag-usap kahapon sa Hannover si dumadalaw na Premyer Wen Jiabao ng Tsina sa kanyang counterpart na si Angela Merkel ng Alemanya. Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa bilateral na relasyon, at mga isyung panrehiyon at pandaigdig, na kapuwa nila pinahahalagahan.
Ipinahayag ni Wen, na positibo siya sa ibayo pang pagpapasulong ng kooperasyon ng Tsina at Alemanya sa siyensiya at teknolohiya, edukasyon, at isyu ng kabataan; pagpapalaki ng Alemanya ng pamumuhunan sa Tsina, lalo na sa kanlurang bahagi ng bansa; at pagpapalakas ng koordinasyon ng dalawang bansa sa mga suliraning pandaigdig. Optimistiko rin aniya ang Tsina sa intergrasyon ng Europa.
Sinabi naman ni Merkel, na handa na ang Alemanya sa pagpapalakas ng kooperasyon ng Europa at Tsina. Aniya, mapapasulong pa ng Europa ang integrasyon nito, kasama ang kaunlarang pangkabuhayan, at inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya.