|
||||||||
|
||
Nitong ilang araw na nakalipas, paulit-ulit na ipinahayag ng panig militar ng Estados Unidos(E.U.), at Pilipinas na ang kasalukuyang magkasanib na ensayong militar sa Pilipinas ay walang kinalaman sa naganap na "Huangyan Island Incident," at hindi ito nakatuon sa Tsina.
Sinabi ni Duane Thiessen, Pinuno ng mga Marinong Amerikano sa rehiyong Pasipiko, na walang kinalaman ang naturang pagsasanay sa "Huangyan Island Incident," at ibayo pang palalakasin ng E.U. ang puwersang militar nito at gagawa pa ng mga pagsasanay sa rehiyong Pasipiko.
Sinabi naman ni Juancho Sabban, Komander ng Armed Forces ng Pilipinas sa gawing kanluran, na ang "Balikatan" ay isang regular at taunang pagsasanay ng E.U at Pilipinas.
Sinabi rin ni Maj.Emmanuel.Garcia, Tagapagsalitang Pilipino sa "Balikatan," na malayo ang lugar ng pagsasanay mula sa Huangyan Island, at hindi ito tugon sa naturang insidente.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |