|
||||||||
|
||
Sinabi kamakailan ni Punong Ministro Yoshihiko Noda ng Hapon, na sa loob ng darating na 3 taon, magkakaloob ang Hapon ng halos 7.4 bilyong dolyares na tulong sa mga bansa sa Mekong River basin.
Kaugnay nito, idinaos kalakalawa ang ika-4 na Summit ng Hapon at mga bansa sa Mekong River basin at sinabi ni Noda sa news briefing, pagkatapos ng summit, na iniharap ng Hapon ang 57 proyektong pantulong sa mga kalahok na bansa na kinabibilangan ng Cambodia, Biyetnam, Thailand, Myanmar, at Laos. Ang naturang mga proyekto aniya ay may kinalaman sa pagtatayo ng power station, paglulunsad ng mga satellite, at konstruksyon ng mga espesyal na sonang pangkabuhayan.
Ayon sa salaysay, itinakda sa summit na ito ang aktuwal na plano ng kooperasyon ng Hapon at mga bansa sa Mekong River basin mula taong 2013 hanggang taong 2015.
Ayon sa naturang plano, daragdagan ng Hapon ang pamumuhunang pantulong sa rehiyong ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |