Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kalihim Del Rosario, 'di nakadalo sa press briefing; tagapasalita, nanawagan sa netizens, huwag nang painitin pa ang situwasyon

(GMT+08:00) 2012-04-23 18:58:15       CRI

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon, hindi nakadalo sa kanyang ipinatawag na press briefing si Foreign Affairs Secretary Albert F. Del Rosario matapos maaksidente sa Palasyo Malacanang kaninang umaga.

Isinugod sa pagamutan si Kalihim del Rosario at nilagyan ng plaster cast ang kanyang paa dahilan sa sakuna.

Na sa kanyang tahanan ang Kalihim ng Ugnayang Panglabas at nagpapagaling.

NANAWAGAN SI ASST. SEC. RAUL HERNANDEZ SA NETIZENS. Na sa larawan si Ginoong Raul Hernandez, tagapagsalita ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas sa mga Tsino at Pilipinong netizens na tumulong na magpatuloy ang pag-uusap ng magkabilang panig. Nagkaroon ng mapapait na akusasyon ang mga netizen mula sa Tsina at Pilipinas tungkol sa Scarborough Shoal.

Ito ang nabatid mula kay Assistant Secretary Raul Hernandez na siya ring taga-pagsalita ng kagawaran. Nanawagan siya sa mga netizen mula sa Pilipinas at Tsina na huwag nang gamitin ang internet sa pagpapainit ng situasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Ito ang kanyang reaksyon sa balitang nagkakainitan

ang magkabilang panig sa pamamagitan ng serye ng hacking ng websites na nagging dahilan ng mainitang pagpapalitan ng mga salita tungkol sa kontrobersya.

Hindi na umano bago ang cyber attacks. Tiniyak ni Ginoong Hernandez na ginagawa ng Pilipinas ang lahat upang huwag maapektuhan ang mahahalagang websites ng pamahalaan sa pang-araw-araw nitong operasyon.

Nakatakdang magtungo sa Lunes, huling araw ng Abril, sa Washington si Ginoong del Rosario at makakausap si Secretary of State Hillary Rodham Clinton. Makakasama rin sapaglalakbay si Kalihim Voltaire Gazmin ng Tanggulang Pambansa na makakausap ng kanyang American counterpart.

Ayon kay Ginoong Hernandez, makakasama ang Scarborough Shoal sapag-uusapan sa Washington sa susunod na linggo. Bagaman, isinasaayos pa ang agenda para sa pag-uusap ng magkabilang panig.

Sa mga pangyayaring ito, umaasa pa rin ang Kagawaran ng Ugnayang Panglabas na matatapos ang stand-off sa pamamagitan ng diplomasya.

Sa idinaos na briefing, apat na bangkang pangisdang mula sa Tsina ang nabalitang nasa loob ng Scarborough Shoal at sinamahan ng dalawa pang barkong Tsino sa labas ng batuhan. Kabilang na rin ang isang Chinese surveillance ship.

Iisang barko ng Pilipinas lamang ang nasa karagatan. Hanggang kaninang umaga ay iisang surveillance ship na lamang at tatlong bangkang pangisda ang nasa loob ng batuhan, dagdag pa niGinoong Hernandez.

Bukas ang linya sa kinatawan ng Tsina sa Pilipinas subalit wala pang nagaganap na anumang pagpupulong mula noong Lunes noong isang linggo at sa Beijing noong nakalipas na Miyerkoles.

Sa desisyon ni Ambassador to Beijing-designate Domingo Lee na huwag nang humiling ng kompirmasyon sa Commission on Appointments sa kanyang posisyon, may napupusuan na si Kalihim del Rosario na ipapalit sa madaling panahon.

Ayon kay Ginoong Hernandez, bagama't hindi pa binabanggit ni Kalihim del Rosario ang kanyang pamalit, lumalabas na mas gusto niyang isang career diplomat ang mapalagay sa mahalagang posisyon.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>