Ayon sa ulat na inilabas kahapon ng Chinese Academy of Social Sciences, tinukoy nitong sa ilalim ng kalagayang matumal ang pagbangon ng kabuhayang Amerikano, walang tigil na lumalala ang sovereign debt crisis ng Europa, at bumagal ang paglaki ng pamumuhunang panloob, ibayo pang babagal ang paglaki ng kabuhayang Tsino sa taong ito, at tinayang aabot sa humigit-kumulang 8.7% ang paglaki ng GDP na bababa ng 0.5% kumpara sa nagdaang taon.
Anang ulat, mapapanatili ng konsumo sa taong ito ang tunguhin ng paglaki, aabot sa 2.14 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng tingian ng social consumer products na lalaki ng 12.9%. Posibleng manatiling matindi pa rin ang kalagayan ng kalakalang panlabas. Ipinalalagay ng ulat na ibayo pang babagal ang bilis ng paglaki ng kalakalang panlabas ng Tsina sa kasalukuyang taon.
Salin: Vera