|
||||||||
|
||
Binuksan ngayong umaga sa Beijing ang ika-4 na round ng "Diyalogong Pangestratehiko at Pangekonomiko" ng Tsina at Estados Unidos (E.U.) at dumalo sa naturang pagbubukas si Pangulong Hu Jintao ng Tsina.
Nakatakda ring magtalumpati ang Pangulong Tsino sa taunang pagtitipon ng mga mataas na opisyal ng dalawang bansa na gaganapin sa loob ng dalawang araw na diyalogo.
Sa kabilang dako, magkahiwalay na mangungulo sa naturang diyalogo sila Wang Qishan, Pangalawang Premyer ng Tsina, Dai Bingguo, Kasangguni ng Estado ng Tsina, Hillary Clinton, Kalihim ng Estado ng E.U., at Timothy Geithner, Kalihim ng Tesorarya ng E.U.
Tatagal ng dalawang araw ang naturang pagtitipon at ito ay dadaluhan ng mga may-kinalamang tauhan mula sa mahigit 20 departamento ng Tsina at E.U.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |