|
||||||||
|
||
Sinabi dito sa Beijing ngayong araw ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina, na dapat buong tatag na pasulungin ng panig Tsino't Amerikano ang konstruksyon ng kooperatibong partnership, at paunlarin ang bagong relasyon ng 2 bansa, para maging panatag ang loob ang mga mamamayan ng dalawang bansa, at maging ng buong daigdig.
Binuksan kaninang umaga ang ika-4 na round ng US-China Strategic and Economic Dialogue. Nagtalumpati sa seremonya ng pagbubukas si Pangulong Hu. Aniya, nitong nakalipas na mahigit 3 taon, sapul nang itatag ang mekanismo ng US-China Strategic and Economic Dialogue, napasulong ang estratehikong pag-uugnayan sa mataas na antas ng dalawang bansa, napalalim ang pag-uunawaan sa estratehikong plano at patakaran ng isa't isa, napalawak ang komong palagay sa direksyon ng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano, napasulong ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, napahigpit ang pagkakaibigan ng kanilang mga mamamayan, at napayaman ang pagpapalitan at pag-uugnayan ng kapuwa panig sa iba't ibang antas at larangan.
Ipinahayag niyang sa proseso ng kasalukuyang round ng diyalogo, umaasa siyang magkasamang magsisikap ang kapuwa panig, at pasusulungin ang naturang diyalogo para magsilbi itong pangmatagalang mekanismo ng pagpapalakas ng estratehikong pag-uugnayan, pagpapahigpit ng estratehikong pagtitiwalaan, at pagpapasulong ng estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa.
Salin:Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |