|
||||||||
|
||
WALANG malaking epekto ang pandaigdigang krisis na nagaganap ngayon bagama't may pangangailangang gumawa ng sapat na pananggalang sa posiblidad na lumala pa ito.
Hindi nararapat lumayo sa pangmatagalang structural reforms na nasimulan na. Ito ang mensahe ni Pangulong Haruhiko Kuroda sa Governors' Seminar sa 45th Annual Meeting ng Asian Development Bank ngayon.
Kakailanganin umano ang pagsasaayos ng growth model upang makasama ang sinasabing "new normal" o matagalang restructuring ng mga nangungunang ekonomiya. Dapat malampasan ang mga problemang hahadlang sa pangmatagalan at maayos na pag-unlad sa Asia ayon sa nilalaman ng artikulong "How Can Asia Respond to Global Economic Crisis and Transformation na inilathala sa seminar.
Makakalamapas ang Asia sa anumang financial crisis at mahinang export demand mula sa mga tradisyunal na pamilihan tulad ng Europa at America sapagkat napapanahon nang umasa sa domestic at regional markets at pagpapalawak ng kalakal sa Latin America at Africa.
Nakikitang solusyon ang pagsasaayos ng pagunlad ng kalakal patungo sa domestic sources sa pamamagitan ng consumption at investment, pagpapalakas ng finance, pagpapalaki ng mga pamilihan, at pagkakaroon ng financial inclusion. Nararapat ding isaayos ang business at investment climate, masanay ang mga mamamayan sa maaaring mapasukang trabaho, pagsasaayos ng industriya at environmentally sound urban planning, pagsusulong ng intra-regional trade at pagpapalawak ng relasyon ng mga nasa katimugang bahagi ng daigdig.
Kasabay nito, kailangan din ang pagpapalalim ng kooperasyon sa mga bansang nasa Asya.
PAGKAKAROON NG BAGONG INTERNATIONAL RESERVES, MAKAKATULONG SA DAIGDIG
DALAWANG dalubhasa sa larangan ng Ekonomiya ang nagsabing mas magiging maganda ang takbo ng kalakal kung madagdagan ang American dollar bilang international reserve ng daigdig.
Sa isang media briefing nina Iwan Azis ng OREI at Jeffrey Sachs ng Columbia University, nagpahayag ng paniniwala ang dalawang eksperto na napapanahon na rin upang pagpablik-aralan ang mga paninda ng mga bansa sa daigdig. Naapektuhan ang Asya dahilan sa karamihan ng mga kalakal nito ay sa mga bansa sa America at Europa.
Sa panig ng Pilipinas, ang manufacturing sector ay may sapat na produktong inilalabas sa pamamagitan ng electronics. Ang malaking bahagi naman ng electronics ay semi-conductors na ipinagbibili sa America at Europa.
Sa panig ni Ginoong Sachs, sinabi niya na magiging maganda para sa daigdig kung madaragdagan ang international reserve na ngayon ay US dollar lamang. Ito ang kanyang reaksyon sa aking tanong kung gaano katibay ang American dollar sa likod ng mga nagaganap sa America at ibang dako ng daigdig.
Nagkaisa ang tugon ng dalawang dalubhasa na mahirap sabihin kung gaano katibay ang American dollar sa mga nagaganap ngayon.
Sinabi ni Ginoong Sachs na mas maganda kung makakasama sa international reserves ang Euro, ang Renmenbi at ang Yen. Nagkataon nga lamang na wala pang regional currency sa Asya.
PINAKAMALAKING INFRASTRUCTURE FUND INILUNSAD
NAKATAKDANG simulan ang ASEAN Infrastructure Fund, ang pinakamalaking financing initiative ng Association of South East Asian Nations kasunod ng unang board meeting ng Asian Development Bank ngayon.
Ang infrastructure fund and gagastos para sa mga lansangan, daang-bakal, power, water at iba pang critical infrastructure requirements na aabot sa $ 60 bilyon taun-taon.
Mahalaga ang pagsasama-sama ng mga bansa na magtutulungan, kasama ang ADB ng initial capital o equity
Nagbigay na umano ang mga bansa at ADB ng initial equity na $ 485 million sa AIF na magkakaroon ng tanggapan sa Malaysia.
Ayon kay Rajat Nag, managing director general ng Asian Development Bank, ang bangko ay magdaragdag ng pondo para sa bawat proyekto. Ang pondo ay magkakaroon ng tanggapan sa Malaysia. Anim na proyekto ang gagastusan ng AIF na hindi hihigit sa $ 75 milyon para proyekto. Ang mga proyekto ay may kinalaman sa pagbabawas ng kahirapan, magdaragdag ng kalakal at magpapalakas ng investments.
NILALAMAN NG MGA KASUNDUAN, IPATUTUPAD KUNG SAKALI
SINABI ni US Secretary of State Hillary Rodham Clinton na kikilalanin ng America ang obligasyon nito sa ilalim ng Mutual Defense Treaty at nanawagan sa mga bansang naghahabol sa ilang mga kapuluan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas na tapusin ang kanilang paghahabol sa pamamagitan ng negosasyon at pagkilala sa United Nations Convention on the Law of the Sea, ang posisyong isinusulong din ng Pilipinas.
Ayon kay US Defense Secretary Leon Panetta, ang Mutual Defense Treaty ang siyang susi at sandigan sa West Philippine Sea, Idinagdag ng kalihim ng tanggulang bansa ng America na kanilang tutulungan ang Pilipinas na magkaron ng mas magandang maritime presence ang mga Pilipino sa pamamagitan ng isa na naming barkong mula sa Amerika bago magtapos ang taon. Tutulong din ang America sa pagpapaunlad ng ISR o Intelligence, Surveillance and Reconnaissance.
Ang Amerika, ayon kay Ginoong Panetta, ay may pagpapahal;aga sa rules-based retgional order na magsusulong ng viable at vibrant trade at kalayaang magkaroon ng freedom of navigation.
Magugunitang dumalaw sa Washington sina Kalihim Albert F. Del Rosario ng Ugnayang Panglabas at Kalihim Voltaire Gazmin ng Tanggulang Pambansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |