|
||||||||
|
||
Kinatagpo kagabi ni Xi Jinping, Pangalawang Pangulo ng Tsina sina US State Secretary Hillary Clinton at US Treasury Secretary Timothy Geithner, na dumalo sa 4th Sino-US Strategic and Economic Dialogue.
Sa pagtatagpo, sinabi ni Xi, na ang komong palagay na narating nina Pangulong Hu Jintao at Pangulong Barack Obama hinggil sa pagbuo ng pangkooperasyong partnership ng Tsina at Estados Unidos(E.U.), batay sa paggagalangan at pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan ay bumalangkas sa prinsipyo ng pagtatatag ng bagong relasyon sa pagitan ng mga malaking bansa sa daigdig. Aniya, bilang dalawang malaking puwersa sa daigdig, na nasa ilalim ng ibang sistemang pulitikal, kultura at kasaysayan, at pamantayan sa kaunlarang pangkabuhayan, dapat hindi lamang magkaroon ang Tsina at E.U. ng diwang "hindi magiging bayani kung hindi aakyat sa ibabaw ng Great Wall," kundi rin ng "pagsubok sa mga nakatakdang hakbangin, bago ito aktuwal na ipatupad," sa takbo ng pagtatatag ng bagong relasyong Sino-Amerikano. Umaasa rin si Xi, na patuloy na magsisikap ang Tsina at E.U., para palakasin ang pagtitiwalaan, pasulungin ang kapakanang may mutuwal na kapakinabangan, pahigpitin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, at palakasin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Clinton, na mabunga ang kasalukuyang diyalogo ng Tsina at E.U. Aniya, ang paggiit ng diyalogo, pagpapalawak ng kooperasyon, at pagpapalakas ng pagtitiwalaan ay makakatulong sa konstruksyon ng bagong relasyong Sino-Amerikano.
Sinabi rin ni Geithner,na positibo siya sa kasalukuyang repormang pinansyal ng Tsina, at umaasa siyang magsisikap ang E.U. at Tsina para mapasulong ang bilateral na relasyong pangkabuhayan, at kasiglahan ng kabuhayang pandaigdig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |