|
||||||||
|
||
Ipinalabas kahapon ng Ministring Panlabas ng Pakistan ang pahayag na matinding kumukondena sa paglulunsad ng air raid ng mga unmanned aircraft ng tropang Amerikano sa North Waziristan, na nagresulta sa pagkamatay ng 10 katao at pagkasugat ng 1.
Ayon sa nasabing ministri, ang air raid ng Estados Unidos (E.U.) ay iligal at malubhang nakapinsala sa kabuuan ng soberanya at teritoryo ng Pakistan. Ang aksyong ito, anang pahayag ay lumalabag sa pandaigdigang batas.
Ang naturang air raid ay ang ika-12 beses nang paglulunsad ng ganitong uri ng pag-atake ng tropang Amerikano sa Pakistan, sapul nang pumasok ang taong 2012 at ang mga aksyong ito ay nagresulta ng pagkamatay ng di-kukulangin sa 93 katao.
Iginigiit naman ng E.U., na ang ganitong air raid ay isang mabisang paraan sa pagpuksa ng mga armadong tauhan ng Taliban group.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |