"Umaasa kaming mapapaliit ng India ang pag-aangkat ng langis mula sa Iran. Ipinakita naman ng India ang kagustuhang mabawasan ang pagbili mula sa Iran, at positibo kami sa mga ito. Pero, nais na naming makita ang mas maraming aktuwal na aksyon ng panig Indian sa usaping ito." Ito ang ipinahayag kahapon ni Hillary Clinton, dumadalaw na Kalihim ng Estado ng Estados Unidos(E.U.) sa Calcutta, kalunsuran sa silangan ng India.
Ayon sa ulat, kabilang sa mga layon ng 3 araw na pagdalaw ni Clinton sa India ay upang himukin ang India na bawasan ang pag-aangkat nito ng langis mula sa Iran.
Sa panig naman ng India, ipinahayag nitong tumatalima lamang ito sa mga may-kinalamang kasunduan ng UN hinggil sa pagpataw-sanksyon laban sa Iran, sa halip na pagsunod sa E.U. O Uniyong Europeo. Sa kasalukuyan, nakikipagkoordinasyon ang India sa Iran, para ipagpatuloy ang normal na kalakalan ng langis.