Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, walang sandigang legal upang dumulog sa hukuman; Tsina, walang obligasyong tumanggap sa paanyaya

(GMT+08:00) 2012-05-09 18:14:44       CRI

PILIPINAS, WALANG SANDIGANG LEGAL UPANG DUMULOG SA HUKUMAN; TSINA, WALANG OBLIGASYONG TUMANGGAP SA PAANYAYA

ISANG dalubhasa sa batas na nagngangalang Yi Ping, mula sa School of Law ng Peking University ang nagsabing walang legal na sandigan ang Pilipinas na dumulog sa International Tribunal for the Law of the Sea. Magugunitang inanyayahan ng Pilipinas ang Tsina na pabayaan ang hukumang magdesisyon sa usapin.

Inilathala ang mga pananaw na ito ni Yi Ping sa China News Agency website at nakarating sa mga mamamahayag sa pamamagitan ni Zhang Hua, tagapagsalita ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas.

Sa pahayag na ito ng Pilipinas, lalong lalaki ang sigalot at magpapalala sa situwasyon, dagdag pa ng dalubhasa, dagdag pa ni Binibining Yi Ping. Wala umanong obligasyon ang Tsina na tanggapin ang paanyaya.

Ginamit lamang umano ng Pilipinas ang isang bahagi ng United Nations Convention on the Law of the Sea na nagsasabing kung walang mararating ang payapang paraan na kinabibilangan ng conciliation, maaring magkaroon ng international adjudication at ibang compulsory procedures.

Subalit sinabi ni Yi Ping na ang Article 298 ng Convention ay naglalagay rin ng optional exceptions sa compulsory procedures.

Noon pa mang 2006, sinabi na ng Pamahalaang Tsino ang international adjudication o arbitration tungkol sa mga hangganan ng karagatan, territory at military activities ay hindi matatanggap.

PALIPARANG PANDAIGDIG, HINDI NA MUNA TATANGGAP NG MGA BAGONG EROPLANO

INAMIN ni Kalihim ng Transportasyon at Komunikasyon Manuel Araneta Roxas na puno na ang mga runway ng Maynila sa pagdami ng mga eroplanong naglalakbay patungong Maynila at pabalik sa iba't ibang bansa.

Sa isang press briefing, sinabi ni Kalihim Roxas na hindi namalayan ng madla ang paglobo ng bilang ng mga eroplanong nagyayaot sa Ninoy Aquino International Airport.

Umabot na sa 119 ang air fleet population ng commercial airlines ngayon. Noong 2008, umabot lamang sa 62 ang mga kabilang sa air fleet population. Ipinaliwanag ni Kalihim Roxas na umabot sa 18 milyong pasahero ang naitala sumakay sa mga eroplano noong 2006. Nakarating naman sa 30 milyon ang mga pasaherong napaglingkuran na NAIA noong 2011.

Ang mga eroplanong umalis at dumating sa NAIA ay umabot na sa 255,000 noong 2011 at tumaas mula sa maliit na bilang na 171,000 noong 2006.

Hanggang 36 na take-off at landing sa bawat oras ang kaya ng mga runway sa NAIA. Umabot na rin sa 50 ang mga take-off at landing sa bawat oras kaya't puno na ang runway na dahilan ng pagkabalam ng maraming eroplano.

Bahagi ng mga ipatutupad na kalakaran ang paglilipat ng commercial flights sa mga paliparang may night landing capabilities. Maliban sa Maynila, ang mga paliparan ng Cebu, Davao, Iloilo, Cagayan de Oro, Bacolod, Kalibo, Tacloban, Puerto Princesa, Zamboanga, General Santos at Laoag ay mayroon ding night landing capabilities.

Ang mga kumpanya ng eroplano ay pumayag na pag-aralan ang kanilang mga schedule at maglilipat ng kanilang mga biyahe sa night-rated airports sa halip na sumabay sa karamihan ng mga eroplano.

Isasaayos ang 14 pang mga provincial airports upang magkaroon ng night –rating. Ang mga ito ay ang Tagbilaran, Legazpi, Dumaguetem Butuan, Ozamis, Cotabato, Naga, Dipolog, Roxas, Pagadian, Tuguegarao, Busuanga, Surigao at San Jose, Mindoro. Gagastusan ng pamahalaan ang mga proyektong ito na nagkakahalaga ng P 800 milyon.

Mayroon ding posiblidad na dalhin ang lahat ng general aviation flights sa Sangley Point sa Cavite City. Mayroong 82 general aviation flights sa bawat araw sa NAIA. Mababawasan ang mga eroplanong lumalapag sa NAIA kung magagawa ito.

ISA NA NAMANG RADIO ANNOUNCER, BINARIL, PATAY

HINDI pa nakikilalang mga kalalakihan ang bumaril at nakapatay sa isang broadcaster ng DxHM, isang himpilan ng radyong pag-aari ng Simbahang Katoliko, samantalang paalis sa Tarragona, Davao Oriental kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Nestor Libaton, 47 na taong gulang. Kadadalo pa lamang umano sa isang pista sa Barangay Ompao at pauwi na sakay ng kanyang motorsiklo kasama ang isang kapwa broadcaster, ng barilin at mapatay ng dalawang lalaking sakay din sa motorsiklo.

Ayon sa media reports, nasawi si Libaton sa tama ng bala sa mukha at katawan. Hindi naman nasaktan ang kanyang kasama.

Nakuha umano ng pulisya ang anim na basyo at isang bala ng kalibre .45 at .38 baril. Wala umanong matitinding komentaryo ang broadcaster na napaslang. Kilala siya sa kanyang mga balitang tungkol sa presyo ng mga paninda sa mga pamilihan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>