|
||||||||
|
||
HINDI pa mabatid ang dahilan ng pinagmulan ng sunog sa isang gusaling pag-aari ng isang negosyante sa Butuan City na ikinasawi ng 17 katao at ikinasugat ng tatlong iba pa.
Ayon kay Chief Supt. Reynaldo Rafal, Regional Police Director sa Region XIII sa Mindanao, ang gusali'y kinalalagyan ng mga tindahan at tanggapan kabilang na ang isang money shop.
Nagsimula ang sunog mga limang minuto bago sumapit ang ika-apat ng umaga kahapon ng umaga. Limang truck ng pamatay-sunog mula sa Butuan City at sampung iba pang truck mula sa mga kalapit-bayan ang nagsama-sama sa pagsugpo sa sunog.
Natapos ang sunog mga ika-anim ng umaga.
Natagpuan ng mga pulis at bumbero ang labi ng 17 katao, pawang mga kawani ng Novo Jeans and Shirts. Tatlong iba pang kawani ng Novo Jeans ang nasugatan at dinala kaagad sa pagamutan.
Kasalukuyang ginagawa ang pagsisiyasat upang mabatid ang pinagmulan ng sunog.
CBCP, KINONDENA ANG PAGPASLANG SA ISANG MAMAMAHAYAG
KINONDENA ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pagbaril at pagpatay sa isang mamamahayag sa Davao Oriental noong Martes, ang ikatlong paglabag sa karapatan ng mga mamamahayag sa nakalipas na 15 araw.
Pitong ulit na binaril si Nestor Libaton, reporter ng DxHM, isang himpilan ng radyong pag-aari ng Simbahang Katoliko. Tatlong lalaking nakasakay sa motorsiklo ang may kagagawan.
Kasama ni Libaton si Eldon Cruz na kadadalo lamang sa isang pistahan at pauwi na ng maganap ang insidente.
Ikinalungklot ni Cebu Archbishop Jose Palma ang pagpaslang, ilang araw bago ipagdiwang ng simbahan ang World Communications Sunday.
Ikinalulungkot ng Simbahan ang pangyayari sapagkat mahalaga ang komunikasyon at sa pagdiriwang ng World Communication Sunday, isang paraan ito upang ipagunita sa lahat na bilang mga Kristiyano na ipahayag ang mga itinuturo ng Simbahan.
Nanawagan siya sa Pambansang Pulisya na gawin ang lahat upang mabatid ang dahilan at malitis ang may kagagawan ng pagpaslang.
DAGDAG NA PONDO PARA SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA, INILAAN
NAGLAAN ang Kagawaran ng Pagsasaka ng halagang P 1.3 bilyon upang madagdagan ang kita ng mga magsasaka, manginguisda, kababaihan at mga katutubo sa Mindanao.
Sinabi ni Kalihim Proceso J. Alcala na ang P 1.3 bilyon ay binubuo ng mga proyektong nasa ilalim ng Community Fund for Agricultural Development na saklaw ng Mindanao Rural Development Program, isang palatuntunang tinutustusan ng World Bank.
Kabilang sa gagastusan ang mga programa sa food security, community livelihood, pagtatayo ng kailangang mga pagawaing-bayan na pakikinabanbgan ng higit sa 120,000 mga pamilya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |