Ipinatalastas kahapon ng palasyong pampanguluhan ng Greece na dahil nabigo ang talastasan ng mga partido hinggil sa pagtatatag ng pamahalaang koalisyon, idaraos muli sa darating na Hunyo ang halalang pamparliamento.
Sa halalang pamparliamento na idinaos noong ika-6 ng Mayo, walang anumang partido ang nakakuha ng karamihan ng mga luklukan sa parliamento, kaya dapat buuin ang pamahalaang koalisyon. Pero dahil hindi maaring mapawi ng mga partido ang magkakaibang posisyon sa isyu ng patuloy na pagsasagawa ng mahigpit na patakarang pinansiyal, nabigo sa banding huli ang pagsisikap ng mga partido na magtatag ng pamahalaang koalisyon.
Kaugnay nito, sinabi kahapon ni Christine Legarde, Puno ng International Monetary Fund, na lumalaki ang posibilidad ng pagtalikod ng Greece mula sa Euro Zone.