|
||||||||
|
||
Idinaos kamakailan sa Hangzhou, kabiseara ng lalawigang Zhejiang, Tsina ang unang round ng talastasan hinggil sa mga suliraning pandagat ng Tsina at Hapon. Dumalo sa naturang talastasan ang mga mataas na opisyal ng Ministring Panlabas ng Tsina at Hapon bilang punong kinatawan.
Buong pagkakaisang sinangayunan ng dalawang panig ang pagpapalakas ng diyalogo at pagtitiwalaan, at pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyon para maayos na hawakan ang mga isyung hindi pa nareresolba. Ipinaliwanag din ng Tsina ang paninindigan nito sa isyu ng Diaoyu Island.
Positibo naman ang dalawang panig sa pagkakaroon ng pangalawang round ng katulad na talastasan sa huling hati ng taong ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |