Nanawagan kahapon si Hossein Amir Abdollahian, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Iran, sa iba't ibang may kinalamang panig na kilalanin ang karapatan nito sa mapayapang paggamit ng nuklear na enerhiya.
Sinabi pa niya, na umaasa siyang matatamo ang progreso sa bagong round ng talastasan ng isyung nuklear ng Iran na idaraos sa Baghdad, Iraq, sa malapit na hinaharap.
Bukod dito, ipinahayag ni Ramin Mehmanparast, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Iran, na tinututulan ng kanyang bansa ang plano ng Saudi Arabia na magtatag ng komunidad ng mga kasaping bansa ng Gulf Cooperation Council (GCC).